CREAMY ICE CANDY RECIPE LANGKA FLAVOR

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

CREAMY ICE CANDY RECIPE LANGKA FLAVOR For 5PESOS Complete W/Costing | Sideline & Homebased Business.

Sa videong namang ito ay ituturo ko sa inyo ang paggawa ng masarap na Special CREAMY ICE CANDY RECIPE LANGKA FLAVOR For 5PESOS. Kasama ko ding ituturo ang tamang pag-co-costing ng ating produkto upang mapresyuhan natin ito ng wasto. Bagay na bagay po ito para sa ating Sideline or Homebased Business.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Gayun din naman sa mga Estudyante, bagay na bagay nyo rin itong gawin, lalo na ngayong Bakasyon. Upang sa darating na pasukan ay makaambag kayo kay Mommy at Daddy para sa inyong mga School supply na kakailanganin sa darating na pasukan.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS:
3/4kl Langka Cut into Small Pieces
1kl Condensed Milk
1kl White Sugar
3cups Cassava Starch to be dissolved in 3cups of tap water
8Ltrs Water

GAGAMIT DIN TAYO NG:
1 1/2 x 10 Plastic ng Ice Candy
1/4 Measuring Cup/60ml
Plastic Funnel(Imbudo)

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #CREAMY #ICECANDY #LANGKA #CREAMYICECANDY

February 29, 2024 3:52 am

99871 days, 11 hours

Listing ID 3665df8c4088c79 2532 total views, 29 today

Comments