Super Moist Chocolate Cake | Without Oven | Complete w/Costing

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Super Moist Chocolate Cake | Without Oven | Complete w/Costing | Sideline & Homebased Business

Sa videong namang ito ay ituturo ko sa inyo ang paggawa ng Super Moist Chocolate Cake without using an oven. Kasama ko ding ituturo kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa harap ng ating bahay or kung paano natin ito gagawing Sideline kahit tayo man ay may trabaho na. Ituturo din natin ang tamang pag co-costing upang mapresyuhan natin ng wasto ang ating produkto. Bagay na bagay po ito para sa ating Sideline or Homebased Business.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Gayun din naman sa mga Estudyante, bagay na bagay nyo rin itong gawin, lalo na ngayong Bakasyon. Upang sa darating na pasukan ay makaambag kayo kay Mommy at Daddy para sa inyong mga School supply na kakailanganin sa darating na pasukan.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline.Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho at siguradong hindi kau mapapahiya sa lasa at sarap.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS:
Chocolate Cake Batter

3 cups Cake Flour
1 1/2 cup White Sugar
2/3 cup Vegetable Oil (160ml)
1 cup Cocoa Powder (Dutché Brand)
2 1/4 cups Water
2 Large Eggs
1 tsp Baking Powder
1 tsp Baking Soda
2 tsp Coffee
1 tsp Salt
2 tsp Vanilla

Chocolate Syrup:
3/4 cup Cocoa Powder (Dutché Brand)
1 can Evaporated Milk 370ml
1 1/4 cup White Sugar
3 tbsp Flour
1/2 cup Water
3 tbsp Butter
1 tsp Instant Coffee

Toppings:
Chocolate Chips
Chocolate Bar (Dutché Brand)
Heart Candies
Candy Sprinkles
Marshmallows
Cherries

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.👫👩‍👧‍👧😁👌

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Super #Moist #Chocolate #Cake | #WithoutOven #SuperMoist #ChocolateCake

February 27, 2024 9:28 pm

99870 days, 20 hours

Listing ID 66365dde2383c492 1742 total views, 0 today

Comments