Homemade Chicken Tocino Pangnegosyo Recipe Mga Paraan at Tips Paano i-Negosyo Complete With Costing

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Homemade Chicken Tocino Pangnegosyo Recipe Mga Paraan at Tips Paano i-Negosyo Complete With Costing

Sa videong namang ito ay ituturo ko ang isa pa sa aking Best Seller. Ang Homemade Chicken Tocino Pangnegosyo Recipe. Dalawang Flavors po ang ating gagawin. Ang una ay ang Sweet Chicken Tocino na Patok na patok sa mga chikiting at ang isa naman ay ang Paboritong paborito ng mga adults na Sweet & Spicy Chicken Tocino. Magbibigay din tayo ng tips at mga paraan kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa harap ng ating bahay. Ituturo din natin ang tama at detalyadong pag co-costing upang mapresyuhan natin ng wasto ang ating produkto. Bagay na bagay po ito para sa ating Sideline or Homebased Business.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS:

12 pcs Chicken Breast(4.75 Kls) Deboned 3.77kls
2 Cups White sugar
4 Tsp Paprika
3 Tbsp salt
3 Tsp Ground White Pepper or Ground Black Pepper
4 Tsp Garlic Powder or 2 Cloves Garlic
4 Tsp Vinegar
2 Cups Pineapple Juice
4 Tbsp Liquid Seasoning
Atsuete or Annatto Seeds For Color
2 Tbsp Chilli Powder
Fresh Chilli

Shelf Life: Good for 1-2 Months as long as naka Freezer

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Homemade #Chicken #Tocino #ChickenTocino

February 6, 2024 9:42 pm

99689 days, 15 hours

Listing ID 30265c23659b199b 1660 total views, 0 today

Comments