Crispy Fried Banana Balls With Chocolate Dip PangNegosyo Recipe Complete With Costing

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Crispy Fried Banana Balls With Chocolate Dip PangNegosyo Recipe Complete With Costing

Sa videong ito, ituturo ko sa inyo ang paggawa ng Isa sa Masarap na Miryenda, Ito ay ang Cripy Fried Banana Balls. Napakasimpleng gawin at siguradong magugustuhan ito ng inyong chikiting dahil sa sarap at dahil sa linamnam ng ating Chocolate Dip. Mga simple lang ang sangkap nito, mabibili sa palengke or supermarket. Ipapakita ko rin sa ating costing kung paano tayo posibleng kumita ng P10,680 Kada Buwan. Magbibigay din tayo ng tips at mga paraan kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa harap ng ating bahay.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS:
1/2 Kl Flour
4 Pcs Lacatan Banana
100 ml Melted Butter
20 Pcs Chocolate Peanut Bars
195 Grms Evaporated Milk
1/4 Cup Brown Sugar
4 Tsp Baking Powder
1 Pc Egg
1/8 Tsp Iodized Salt

FOR CHOCOLATE DIP :
1/2 Can Evaporated Milk
1/2 Can Condensed Milk
4 Tbsp Cocoa Powder (BensDorp Brand)
1 Tbsp Flour
1/8 Tsp Instant Coffee
1 Tbsp Butter
1/8 Cup Water

FOR FRYING :
Cooking Oil

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Crispy #Fried #Banana #Balls #Chocolate #Dip #FriedBanana #ChocolateDip #BananaBalls #FriedBananaBalls

February 6, 2024 11:19 am

99780 days, 8 hours

Listing ID 30965c1a4baa5519 2276 total views, 0 today

Comments