Walang Egg Pie Tray? Walang Oven? No Problem. Tuloy ang Egg Pie Negosyo! Complete With Costing

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Walang Egg Pie Tray? Walang Oven? No Problem. Tuloy ang Egg Pie Negosyo! Complete With Costing

Sa videong ito, ituturo ko sa inyo ang paggawa ng Isa sa mga Pinaka masarap na kilalang Filipino Dessert, Ito ay ang Creamy Egg Pie. Bata man o matanda ay mahilig sa dessert na ito dahil sa sarap at linamnam nito. Dalawang paraan din ang ituturo ko sa inyo sa videong ito, Kung wala kayong oven, hindi yun problema dahil makakagawa pa rin tayo ng Creamy Egg Pie kahit walang Oven. Maliit lamang ang kailangan na puhunan, pero Paliligayahin ka sa laki ng Kita! Ipapakita ko sa ating costing, kung paano tayo posibleng kumita ng P6,900 a month at dahil sa ganda ng kitaan sa produktong ito. Magbibigay din tayo ng tips at mga paraan kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa ating Lugar.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS FOR CRUST :
2 Cups All Purpose Flour
50 Gms Butter
1/4 Cup Cold Water
1/2 Tsp Baking Powder
1/4 Salt
2 Tbsp White Sugar

INGREDIENTS FOR CUSTARD :
1 1/2 Cup Powdered Milk (Bearbrand po ang ginamit ko)
200 ml Water
3/4 Cup White Sugar
1 Tsp Vanilla Flavor
1 Pc Small Calamansi
5 Pcs Medium Egg (1 Egg White For Meringue)
1 Can Evaporated Milk (390 ml)

ShelfLife : Up to 7 Days, Kept in the fridge.

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Creamy #Egg #Pie #CreamyEggPie #EggPie

February 3, 2024 7:57 pm

99686 days, 17 hours

Listing ID 59165be295905613 1433 total views, 0 today

Comments