Pizzanada!!! New Trending Pangnegosyo Recipe Hawaiian & New York’s Finest Complete with Costing
Photo Gallery
Pizzanada!!! New Trending Pangnegosyo Recipe Hawaiian & New York’s Finest Complete with Costing
May bagong recipe tayo ngayon, ito po ay ang PIZZANADA. Naisipan kung magluto nito nang minsan parang type ko kumain ng Pizza at the same time gusto ko din ng Empanada. Nalilito ako kung ano kakainin ko sa dalawa, so hindi naman siguro kalabisan kung parehas natin silang matikman sa isang produkto, kaya gumawa tayo ng recipe na pwede nating ma Enjoy ang paborito nating Pizza at ang sarap ng Emapanada at ito ang naging Inspirasyon ko para gawin ang produktong ito. Nais kong ibahagi sa inyo ang recipe na ito kc tingin ko papatok ito dahil wala pa akong nakikita na may tinda nito. At kung mag coconcentrate kayo sa negosyong ito marami pang posibleng Flavor ang pwede nyong gawin. Malay nyo, di natin masabi, Kung merong PIZZA PARLOR kayo ang kauna unahang mag karoon ng PIZZANADA PARLOR basta sasamahan lang natin ng Sipag, tiyaga at diskarte kayang kaya natin abutin ang ating mga pangarap. Kaya sa Videong ito Dalawang Klase ng Fillings ang ituturo ko sa inyo ito ay ang Hawaiian Pizzanada at ang New York’s Finest Pizzanada na isa sa Best Seller Pizza ng Yellow Cab, pero pwede pa kayong gumamit ng iba’t ibang Pizza flavors. At bibigyan ko nadin kayo ng Costing para mag ka Idea tayo kung mag kano ang posibleng tubuin sa araw araw o sa loob ng isang buwan. Sasamahan na din natin ng mga tips kung paano sya gagawin at kung paano sya Ne-negosyohin.
Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.
Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap.
Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.
Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.
INGREDIENTS FOR EMPANADA DOUGH :
1 Kl All Purpose Flour
1/2 Cup White Sugar
2 Tsp Baking Powder
1/2 Tsp Salt
200 Grms Butter
1 Can Evaporated Milk (390 ml) Cold
90 ml Cold Water
INGREDIENTS FOR HAWAIIAN FILLINGS :
1 Can Pineapple Tidbits (227 Grms)
115 Grms Pizza Sauce
1/4 Kl Ham (250 Grms)
1 Pc Bell Pepper
1 Pc White Onion
1 Box Melt Cheese
INGREDIENTS FOR NEW YORK’S FINEST FILLINGS :
1/4 Kl Ground Beef
200 Grms Bacon
115 Grms Pizza Sauce
1 Pc Sausage
425 Grms Mushroom
Black Olives
200 Grms Mozzarella
1/4 Kl Ham (250 Grms)
1 Pc Bell Pepper
1 Pc White Onion
Shelf Life:
Ready to Cook: Up to 3 Months basta nakalagay sa Freezer
Ready to Eat: 1 to 3 days or Up to 7days basta nasa baba ng ref then Init na lang po natin dahil Best Serve po sya While Hot.
Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐ซ๐ฉโ๐งโ๐ง๐๐
Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1
Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp
#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Pizzanada #Hawaiian #NewYorkFinest
Related Articles
Share Ad
Our Official FB Page
Contact Owner
You must be logged in to inquire about this ad.
Popular Ads Overall
- Urban agriculture – Joni and Susan Agroshop – from hobby to agribusiness. Success in urban farming and urban gardening (312611 views)
- Papaya farming – successful papaya plantation of former OFW – farming is better than working abroad (7209 views)
- Carbonized rice hull technology – the many uses of carbonized rice hull in agriculture (7190 views)
- Super Stable Cake Frosting Using Condensed Milk | Icing & Frosting What’s The Difference? (4930 views)
- PHILODENDRON and FERN: You think Ordinary but Super Expensive Indoor Plants (4705 views)
- Cassava farming – potential income and status of cassava industry in the Philippines (4678 views)
- Okra farming in the Philippines – how to plant okra and have daily income (4538 views)
- Anthurium and Bromeliads: Easy Indoor Plants – Beginners to Super Expensive Collectors Items (4513 views)
- Slaughter Goat Farming – Slaughter Goat Farming in the Philippines (4503 views)
- Lettuce farming – how to grow lettuce in the Philippines (4463 views)
Comments