Chocolate Dream Cake In a Tin Can, Complete with Costing

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Chocolate Dream Cake In a Tin Can, Complete with Costing

Sa videong ito, ituturo ko sa inyo ang paggawa ng Masarap na Chocolate Dream Cake. Siguradong magugustuhan niyo po ito dahil saktong sakto ang tamis nito. At huwag po kayong mag alala kung wala po kayong oven kase gagamit po tayo ng improvised Oven. Ipapakita ko rin sa ating costing kung paano tayo posibleng kumita ng P21,960 a month. Magbibigay din tayo ng tips at mga paraan kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa ating Lugar.

Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting.

Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap.

Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin.

Basta’t kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.

INGREDIENTS FOR CAKE BATTER :
1 1/2 Cup Cake Flour (or All Purpose Flour)
1/2 Cup White Sugar
1/2 Cup Brown Sugar
1/4 Cup & 2 Tbsp Vegetable Oil
1/4 Cup Cocoa Powder (Dutche)
1 Cup Water
1 Tsp Baking Powder
1 Tsp Baking Soda
1 Tbsp Vinegar
1 Tbsp Vanilla Flavor
1/2 Tsp Iodized Salt

INGREDIENTS FOR CHOCOLATE PADDING :
1 Can Evaporated Milk
1 Cup White Sugar
1/2 Cup Cocoa Powder (Dutche)
7 Tbsp Flour
1/4 Tsp Instant Coffee (Nescafe)
1/4 Cup Hot Water

INGREDIENTS FOR MELTING CHOCOLATE :
250 Grms Chocolate Bar (Dutche)
1/2 Cup Vegetable Oil

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #Chocolate #Dream #Cake #TinCan #ChocolateDreamCake #ChocolateCake

January 29, 2024 12:11 am

99768 days

Listing ID 49465b67bee8f45f 2240 total views, 0 today

Comments