BIBINGKANG MALAGKIT WITH LANGKA

 

Report problem
Processing your request, Please wait....

Murang Negosyo Idea sa Halagang 500: BIBINGKANG MALAGKIT WITH LANGKA

Sa episode na ito ng ating Murang Negosyo Idea sa Halagang 500 Series ay ituturo ko naman sa inyo ang simpleng paraan ng pagluluto ng Bibingkang Malagkit With Langka at bibigyan ko din kayo ng idea kung paano nyo ito mapagkakakitaan kahit tayo ay nasa bahay lang kapiling ang ating mga chikiting. Sa ganitong paraan ay makakatulong tayo kay Mister upang madagdagan ang ating budget. Sa mga nagtatrabaho maari nyo rin itong gawaing sideline upang madagdagan ang income lalong lalo na sa ating mga mahal na OFW pwedeng pwede nyo itong pagkakitaan dahil alam naman natin na nasasabik ang mga kapwa OFW natin sa mga tunay na kakaning pinoy. Ipaorder nyo lang sa inyong mga kasamahan pag nalalapit na ang inyong restday siguradong marami sa kanila ang sabik sa mga kakanin ng pinas. Mas malamang na malaki ang kikitain dahil foreign Currency ang kanilang ibabayad . Kailangan lang ng diskarte, sipag at tiyaga at siguradong eto ay uunlad. Good Luck at nawa’y mag tuluy-tuloy ang ating pag asenso.

INGREDIENTS:
1/2kl. Malagkit (Glutinous Rice)
2 cups Gata (1cup Kakang Gata + 1cup Ikalawang Gata)para sa sinaing
2cups Kakang Gata (para sa pag luluto ng Bibingkang Malagkit)
1cup White Sugar
1/4 tsp Salt
Langka

TOPPINGS:
300g. Sangkaka/Panutsa or 300g Dark Brown Sugar
2cups Kakang Gata
.

Sari-saring tips upang makatipid. Makapagbigay na simpleng negosyo ideyang pwede gawin kahit nasa bahay lang upang makatulong kay Mr makadagdag ng extra income habang kapiling natin ang ating mga chikiting. Magagabayan natin sila at maasikaso at the same time tayo din ay kumikita.๐Ÿ‘ซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง๐Ÿ˜๐Ÿ‘Œ

Facebook
https://www.facebook.com/tipidtipsatbp1

Youtube
https://youtube.com/c/TipidTipsatbp

#BayanniJuan #BayanniEcho #TipidTipsatbp #BusinessIdealBnE #BusinessIdea #Business
#Recipe #RecipelBnE #BIBINGKA #MALAGKIT #LANGKA #BIBINGKANGMALAGKIT #BIBINGKANGMALAGKITLANGKA

March 17, 2024 8:05 pm

99726 days, 16 hours

Listing ID 46365f2f3df23892 1959 total views, 0 today

Comments